Ang Pasko sa Pilipinas, isa sa dalawang bansang may malawak na paniniwala saSimbahang Katoliko saAsya, ay nangunguna sa pinakamalaking pista ng taon. Ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na kung saan ang mga awit pangpasko ay naririnig mula Setyembrehanggang sa sumunod na taon sa araw ng Pista ng Epifanio
Ang Pasko sa Pilipinas ay ang pinaka-importanteng selebrasyon para sa mga Pilipino at ang tanging panahon na makikita ang tunay ispirito ng pagkapilipino. Walang mang winter snows o pine trees sa Pilipinas sa Disyembre, pero ang Pilipinas ay subok na makikita at ang oras na dumadami ang bilang ng mga turista dahil sa kakaibang experiensya ng Pasko. Ang tunay na Paskong Pilipino
Pagsapit ng alas-10;ng gabi ng bisperas ng Pasko, nagsisimba ang lahat para sa huling Simbang Gabi bilang pasasalamat sa biyayang binigay sa nagdaang taon at para ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus. Ang mgaPilipino, tulad ng ibang nagdidiwang ng Pasko sa buong mundo, ay nagsasalo pagsapit ng alas-12;ng hating-gabi sa tradisyonal na Noche Buena. Ang tipikal na handang Pilipino ay ang queso de bola (English: edam cheese), inumingtsokolate, hamon de bola (English: Christmas ham), at ibang handa na impluwensya ng Kanluran (Spaghetti, Macaroni) at Silangan (Lumpiang Shanghai, Pancit). Pagkatapos ng kainan ay binubuksan na ang mga regalo.
Sa ilang probinsya sa Pilipinas ay may prosisyon bago ang huling Simbang Gabi. Sinasadula nila ang panunuluyan ni Jose at Birheng Maria hanggang makita ang sabsaban.
Ang araw ng Pasko ay tradisyonal na gawaing pampamilya. Ang misa sa umaga pagkatapos ng huling Simbang Gabi ay tinatawag na Misa de Aguinaldo.
Pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumibisita sa kanilang mga kamag-anak, ang iba sa mga ninong at ninang. Sinisimulan ito sa pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng regalo na kadalasan ay perang bagong imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagsasalo ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. Sa hapon, ang ibang pamilya ay umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall, sinehan at tabing dagat. Mula 1975, naging tradisyon na ng mga sinehan sa Maynila, at ngayon sa buong Pilipinas, na hindi magpalabas ng pelikulang banyaga at ito ay tinatawag na Metro Manila Film Festival. Isa ring kakaibang tradisyon ay nagpapaputok ng rebentador, kwites at iba pa sa araw ng Pasko.
No comments:
Post a Comment